CRAMMING KAREN: Online Booth Design
Friday, 7 October 2005 | By Mike | Category: Generalwho would ever thought that an exhibition booth could be designed online, via messenger chat . . . ?
initially, i agreed to help out karen design labels for three of azotea’s products . . . however, on the 2nd of october, she started to cram as her co-exhibitor backed-out and was sort of left to her own devices . . . ideas then started to flow and voila! an instant design for her booth!
i hurriedly sketched details of our chat, scanned and emailed it to her . . .

Click to Enlarge AzoteaBooth01.jpg
karen of the pilgrim’s pots & pans exhibited under azotea enterprises in the recently concluded likha ng central luzon trade fair, 05-09 october 2005, at the sm mega trade hall.
it was kind of a comic situation indeed . . . initially, i didn’t want to post the text of our chat since it lasted for hours and hours, spanning at least 3 nights ( ? ), in twenty-nine pages!
after much thought, deliberation and editing [of the “tutut” bits], here it is . . . :-D
sunday, 02 october 2005
M (02.Oct.05 22:48:29): so pano na gagawin mo sa booth mo?
K (02.Oct.05 22:48:40): medyo vague pa plano ko. pero gagawan ko ng trellis. e malaki-laki pa man din, 2×2
M (02.Oct.05 22:49:19): as in that will be your ceiling?
K (02.Oct.05 22:49:28): dapat hati kami ng isang participant. nag-back out. sabi ng nanay ko magbenta na rin ako ng damit mala-tiangge kasi tatatlo lang paninda ko. kasi naman ewan ko bat sa akin napupunta mga kamalasang yan! hahaha. tapos placing pa ng booth ko, corner sa likod. yun iniisip kong trellis, tagalog o ilocano ba yung term na balag?
M (02.Oct.05 22:56:56): balag . . . ilocano yata
K (02.Oct.05 22:57:20): pero imbes na nakasabit, baka sa sides. parang yung balag ng ampalaya, nakatagilid. pero may 2 shelves din ako eh. di ko alam paano placing ng mga yun. provided kami ng 2 shelves, 2 chairs and one table
M (02.Oct.05 22:58:14): so on one wall pwede ka din maglagay ng ganun. tapos magdala ka ng props from your house. like lumang tapayan, banga, palayok etc. pati yun lusong, tsaka yun anuhan ng palay - “anuhan” — kasi d ko maalala ang name. ano nga ba yun. yun yata yun lumang bato na gilingan sa pag-gawa ng kakanin.
K (02.Oct.05 22:59:52): gilingan. yung almires asung saka alo. mortar and pestle
M (02.Oct.05 23:00:30): kasi itong mga ito magagamit mo to display your products. d mo na kailangan ng shelves. passe na ang shelves lowlah. dapat lahat ng gagamitin mo na display paraphernalia will relate back to the company name, image ekek etc. para consistent d ba?
K (02.Oct.05 23:00:49): hehehe, tama ka. no choice ako. sabi sa iyo asahan mo ako sa lahat ng klase ng research at kung anu-ano, pag visuals di ko na teritoryo yan! hahaha
M (02.Oct.05 23:02:18): hanggat maaari pati furniture na gagammitin mo eh in keeping with the pinoy accessories na gagamitin mo. kaya dalhin mo na din ang silya sa dining room nyo. hahahaa. saka humanap ka na ng maliit na mesa na medyo antique ba ang dating?
K (02.Oct.05 23:03:13): naku, hahanap ako ng bangko! yung dulang. alam mo ang dulang?
M (02.Oct.05 23:03:35): ayun! bangko! tama ka dyan! galing moh!yup yun din pwede
K (02.Oct.05 23:04:48): pagtatawanan na ako ni mommy nito. sasabihin nililimas ko ang laman ng bahay, hahaha. comedy daw mga pinaggagawa ko
M (02.Oct.05 23:05:55): hahaaaaaaa
K (02.Oct.05 23:05:59): kanina lang nag-text sa akin ang DTI to confirm mag-isa lang ako sa booth. pagkasabi ko kay mommy, yun sabi niya mag-tiangge daw ako
M (02.Oct.05 23:06:45): sana may time pa ako na mag sketch ng booth bukas. scan ko and email ko sayo
K (02.Oct.05 23:07:20): teka, ano gagawin ko sa shelves? e andon daw yun talaga. given mga yun
M (02.Oct.05 23:07:39): no problem may solution ako dyan. tutal solo mo na ang booth kaya madali na gawan ng paraan yan
K (02.Oct.05 23:08:23): mga katabi ko pa established industries naaaaaaaaaa.
M (02.Oct.05 23:08:29): hayaan mo gawa ako ng sketch first thing bukas tapos email ko sayo. with floor plan and perspective. yun sketch gagawan ko na sya ng call-outs para mas madali
K (02.Oct.05 23:10:06): di ko rin naman inisip ipagawa ang booth na yan. kasi alam ko dalawa kami. yung kasama ko mas maraming resources yun. as in fully functional sila. Ako hanggang resourceful lang
M (02.Oct.05 23:11:12): kaya nga. yun mga lumang abubot sa bahay eh pwede na gamitin yun . . .
K (02.Oct.05 23:11:39): tama, marami niyan. maghahanap ako. may mga garafon pa
M (02.Oct.05 23:11:46): sayang kung nandyan sana ako . . . ako na ang magaayos ng booth mo. tama garafon! like yun kawa na malaki, pwede mo ilagay dun sa loob nun yun say, mga bote ng tagilo . . . pati tapayan . . . the more the merrier. ano pa ba ang related sa balag? yun lumang pan dilig ng halaman, lampara, walis tingting, bayong, basket. ano pa ba. teka. ini-imagine ko kasi yun gulay garden ng nanay ko eh. kung bakit naman kasi d ko pinansin nung huli kong uwi eh ha. tsaka sa floor mag lagay ka ng banig!
K (02.Oct.05 23:19:31): ah, oo nga! makahanap na nga ng banig. balak ko nga magdala ng dayami
M (02.Oct.05 23:21:14): pwede ka pagawa nung ano ba yun. d ko kasi alam ang tawag . . . yun korteng indian teepee na palay tapos may gulong ng sasakyan na nakasabit sa kawayan
M (02.Oct.05 23:21:23): grabeh ano ba namang description yan! hahahahaa
K (02.Oct.05 23:21:33): hahaha! teka, ano yun? haystack
M (02.Oct.05 23:21:56): ayun tama
K (02.Oct.05 23:44:32): natatawa nanay ko. di na daw ako magtitiyangge. ayun, silang dalawa ng auntie ko kung anu-ano pa naisip. hanap daw ako ng kuran-kurangan. ano bang tawag don sa tagalog, teka, yung laruang palayok ng mga bata. kung minsan decorative pa
M (02.Oct.05 23:45:50): eh an liliit nun ah. teka yun kalan na terra cotta meron pa ba kayo nun?
K (02.Oct.05 23:46:38): oo pero malakiiiiii. hindi ko yun puedeng dalhin, hahaha. saka gamit pa. tingnan mo LP entry ko. yung albus na hito. andon sa step-by-step pics
monday, 03 october 2005
M (03.Oct.05 00:38:22): ok yun. eh yun batya na parang tansan ng softdrinks?
K (03.Oct.05 00:39:13): batya! hahaha! wala na ata unless may naitago. hoy teka, mukha nang junkshop ang booth ko! hahaha. tandaan mo ako si walang aesthetic sense, ha? hahaha
M (03.Oct.05 00:40:11): teka eh bakol na woven yun parang basket na walang hawakan na sinusunong ng mga magbubukid? yung malalim na basket. walang hawakan. kasi pwede mo yun lagyan ng mga gulay — ampalaya, kangkong, papaya, etc
K (03.Oct.05 00:40:26): hmmm… meron ata. ay teka, hindi ganon kalalim. salicap meron.
K (03.Oct.05 00:40:57): yun nga siguro yun bakol?
M (03.Oct.05 00:41:05): yun nga bakol! hahaha
K (03.Oct.05 00:41:10): ah oo, yun nga. salicap sa amin. as in marami pa
M (03.Oct.05 00:44:43): alam mo nai-imagine ko na. parang lalabas na interior design booth exhibit ang booth mo pag natapos. hahahahahahaaaa
K 03.Oct.05 00:45:38): baka bilhin yung artifacts at di yung produkto ko, ha
M (03.Oct.05 00:50:29): kasi yun batya pwede yun isabit or lalagayan ng mga stocks mo
K (03.Oct.05 00:52:45): very good talaga tong booth design planning na ito, via chat at ultra-cramming! ano nga palang ilalagay kong dahon? gagawa ako ng crepe paper dahon? hahaha. ayoko naman mag-plastic parang out of place sa mga antigo
M (03.Oct.05 00:59:28): may time ka pa ba na gumawa ng crepe paper leaves? oo naman d dapat plastic. o kaya naman mag-rent ka na lang ng real plants na parang vines.
K (03.Oct.05 00:59:42): wala pero pipilitin, hahaha. kahit ilang trailing-trailing lang, di ba? o kaya maghahanap ako ng mauutusan bukas
K (03.Oct.05 01:07:12): hmmm… sabi ng auntie ko dalhin ko na lang daw buong bahay, hahaha! panik-panaog kasi ako eh. buti na lang wala akong laptop kundi andon ako sa kusina makiki-chat at blow-by-blow kukuwento ko sa kanila. hahaha
M (03.Oct.05 01:08:14): ganito wait for my sketch na lang muna tomorrow. ayusin muna natin ang layout and circulation at placement ng mga display
K (03.Oct.05 01:08:27): ayun! tama. yan sinabi ng mga taga-DTI. dapat may traffic plan daw
M (03.Oct.05 01:08:50): para mas madali sayo mag decide later kung ano ang dapat at hindi dalhin
K (03.Oct.05 01:08:52): sabi ko sa sarili ko paano naman magkaka-traffic sa booth? hahaha
M (03.Oct.05 01:09:08): hahaha! traffic ng mga abubot
K (03.Oct.05 01:29:58): naku, tapos susunod ang iisipin ko naman plating ng pagkain. dapat daw kasi magdala kami ng samples kung paano kinakain. so magdadala ako ng inihaw na dalag, steamed gulay, etc. hanap ako ng mga bilao, doon ko ipe-plate. pero pag-iisipan ko pa anong kaartehan, hehehe. i’m not a food blogger for nothing, baby! ang bigas mga kalahating kaban?
M (03.Oct.05 01:33:02): siguro mga 10-15 kilos pwede na. pwede mu naman dayain yun sako eh. lagyan mo muna ng kahon sa loob yun sako then patungan mo ng bilao tsaka mo i-roll around the bilao yun sako. tsaka mo lagyan ng bigas yun bilao to display your products on!
K (03.Oct.05 01:35:13): ah! galing ah
tuesday, 04 october 2005
K (04.Oct.05 23:02:45): miiiiiiiiiiikkkkkkkkkeeeeeeeeee!!!!!!!!! kauuwi ko lang, lunod pa ako sa email at gagawa pa ako ng trailing vines while bottling my products. teka, padala ko sa iyo preliminary kaartehang design. alam mo bang may humihiram ng walis tingting at inirapan ko, sabi ko props namin yan! hahaha
K (04.Oct.05 23:23:02): nagulantang sa akin ang DTI, dumating akong may guhit na maganda. may call-outs pa! hahaha
M (04.Oct.05 23:26:32): pero natapos ba naman ang set-up?
K (04.Oct.05 23:27:31): oo, although bukas yung finishing touches. kaya huwag mo muna pansinin kung saan ko pinaglalagay mga halaman. sana dinagdagan ko pinabili kong banig
M (04.Oct.05 23:34:48): hahahaaaaa. baka naman magmukhang magbabanig ka na nyan
K (04.Oct.05 23:34:52): yung dala ko kanina, perfect lang siya para sa sahig. almost perfect dimensions na 2×2. mukhang sinadyang carpet. pero masaya na ako sa kinalabasan. buti pala wala akong dalang batyang tansan, hahaha. kundi labas na talaga sa dimensions. e ako pa man din, si ms. bookish. kung ano yung ginuhit gusto ko susundan to the letter. di ko na rin nilagay yung bangko. masyadong mahaba yung mesa nila
M (04.Oct.05 23:47:52): so wat tym opening bukas?
K (04.Oct.05 23:48:01): 10am pa naman. pero dapat andon na ako by 9 para magawa yung finishing touches
M (04.Oct.05 23:49:52): eh pupuntahan ba naman ng mommy at auntie mo yang booth mo?
K (04.Oct.05 23:51:09): mommy oo definitely. aba, aba! pagkakita pa lang nila ng design tuwa na sila. may coherence daw. hahahaha
M (04.Oct.05 23:51:52): hahahahaaaaa . . . guhit pa lang yun ah
K (04.Oct.05 23:52:23): sos! mas maarte sa akin nanay ko. yan pa may mga symmetry-symmetry. mapanlait pa mga yan eh. well, di naman malicious lait
M (04.Oct.05 23:55:30): teka hahanap muna ako ng makakain sa kusina . . . d pa ako nagdi-dinner . . . hahaha!

dears — balag din sa tagalog yun oy! ang haba, bukas ko na basahin ang iba. hahaha!
hi stef, honga . . . tinawag na nga namin na balag tapos nagtanungan pa kami . . . talagang nataranta at excite kami pareho ni karen kaya pati terms nagka-windang-windang . . . hahaha . . . at saka condensed na nga yan to 3 pages . . . hahaha
[…] I designed for her a few weeks of meeting her online. Read the post about how I designed the post HERE . . […]